PAGKAKASALANG SEXUAL ("Sexual Sin") _ Subtitle: LGBT++ (Lesbian, Gay, Bi-Sexual, Transgender)


Click here to download Powerpoint Presentation

DEFINITION OF TERMS

Lesbian (Tomboy)
a woman who is physically attracted to other women
(isang babae na pisikal na naakit sa ibang kababaihan)

Gay (Bakla)
Phsically attracted to opposite gender. Sometimes gay refers only to men
(pisikal na naakaakit sa kaparehong kasarian. Minsan ang gay ay tumutukoy lamang sa mga kalalakihan)

Bi·sex·u·al
sexually attracted not exclusively to people of one particular gender; attracted to both men and women.
(sekswal na naakaakit hindi eksklusibo sa mga taong may isang partikular na kasarian; naaakit sa kapwa lalaki at babae.)

Transgender
used to describe someone who feels that they are not the same gender (= sex) as the one they had or were said to have at birth:
(ginamit upang ilarawan ang isang tao na naramdaman na iba ang kasarian (= sex) kaysa sa kasalukuyan nuong siya ay isinilang:

Transsexual
people experience a gender identity that is inconsistent with, or not culturally associated with, their assigned sex and desire to permanently transition to the gender with which they identify, usually seeking medical assistance (including hormone replacement therapy and other sex reassignment therapies) to help them align their body with their identified sex or gender.

(ang mga tao na nakakaranas ng pagkakakilanlan ng kasarian na hindi naaayon sa kanilang likas na kasarian at may pagnanais ng permanenteng paglipat sa kasarian na kanilang kinikilala, kadalasang humihingi ng tulong medikal (kabilang ang therapy sa kapalit na hormone at iba pang mga terapiyang reassignment sa sex) upang matulungan silang ihanay ang kanilang katawan sa kanilang natukoy na kasarian.)

PASIMULA:


  1. Ang araling ito ay isang paglilinaw kung ano ang paninindigan ng ating kongregasyon tungkol sa mga paniniwala ng LGBT ++.
  2. Hindi natin sinasabi na ang lahat ng mga LGBT ay mapupunta sa impiyerno. Ang mapapasa panganib sa apoy na kaparusahan ay ang mga lumalabag sa utos ng Diyos na ayaw ng magbago. 
  3. Tungkol sa mga karapatang pan-tao o “human rights” ay ating sinusuportahan at inaayunan hindi lamang para sa mga LGBT, kundi para sa lahat ng mga tao. Ang mga LBGT ay hindi dapat apihin at lapastangin ang kanilang mga karapatan at nararapat din igalang at pakitunguhan ng nararapat ayon narin sa itinuturo ng Biblia.  Ang mga Cristiano ay hindi dapat nagtatangi ng mga tao.  (Sa mga karapatang ito ay hindi kasama ang sinasabi nilang karapatan na gaya ng pagpunta sa “palikuran” na hindi likas sa kanilang kasarian).
  • 1Pe 2:17  Igalang ninyo ang lahat ng mga tao. Ibigin ninyo ang kapatiran. Matakot kayo sa Diyos. Igalang ninyo ang hari.  
  • Jas 2:1  Mga kapatid ko, huwag kayong magkaroon ng pagtatangi habang tinataglay ninyo ang pananampalataya sa ating Panginoong Jesu-Cristo, ang Panginoon ng kaluwalhatian.
  1. Hindi lamang LGBT ang nahuhulog sa seksuwal na pagkakasala.  Maging ang mga “normal” na kasarian ay maari ring mahulog sa pagkakasalang seksuwal at pareho lang ang kaparusahan maging LGBT  man o hindi.  Kaya ang araling ito ay hindi lamang para sa mga LGBT kundi para sa lahat.
  2. Ang seksuwal na pagkakasala ay nagagawa ng tao kung ang isa ay nakipagtalik sa hindi niya asawa, aktuwal man o sa pag-iisip lamang.
  3. Ang pag-aasawa ay dinisenyo ng Diyos mula ng likhain niya sina Eba at Adan at ito ay para sa lalake at babae lamang at hindi sa magkaparehong kasarian. 
  4. Ang pagsasama ng magkaparehong kasarian “bilang mag-asawa” ay KASALANAN!
  5. Ang sexual na pagtatalik ay para sa mga mag asawa lamang at hindi dapat gawin ng mga hindi pa mag-asawa gaya ng mga “boy friend-girl friend relationship”.  Sa kalaliman ng pag-aaral sa Biblia ang mga tinatawag na mag-asawa ay yaong mga ikinasal kaya nga ang tinatawag na mag-asawa ang yaong mga ikinasal lamang at hindi yung mga nag- li- live-in.  Maging sa ilalim ng itinatadhana ng ating mga batas sa Pilipinas, ang kinikilalang “husband and wife” ay yaong mga ikinasal lamang.  Kaya dapat mag-isip at mag desisyon ang mga nagsasama ng “live-in” kung nakatitiyak ba sila na hindi sila nahuhulog sa pakikiapid.
  • 1Co 7:1  Ngayon, tungkol sa mga bagay na isinulat ninyo: "Mabuti para sa isang lalaki ay huwag humipo sa babae."
  •  1Co 7:2  Subalit, dahil sa mga nangyayaring pakikiapid, ang bawat lalaki ay magkaroon ng kanyang sariling asawa, at bawat babae ay magkaroon ng kanyang sariling asawa.
 9.  Ang kasalanang seksuwal, sa Biblia, ay hindi lamang yung aktuwal na ginagawa, kundi maging sa pag-iisip at puso, kahit hindi pa ginagawa ng aktuwal ay ipagkakasala na sa harap ng Diyos dahil nakikita ng Diyos maging ang nilalaman ng ating puso at isipan. 


  • Mat 5:27  "Narinig ninyo na sinabi, 'Huwag kang mangangalunya.'
  • Mat 5:28  Ngunit sinasabi ko sa inyo, na ang bawat tumitingin sa isang babae na may pagnanasa ay nagkasala na sa kanya ng pangangalunya sa kanyang puso.
MAIN VERSE:
Rom 1:24  Kaya't dahil sa mga pagnanasa ng kanilang mga puso ay hinayaan sila ng Diyos sa karumihan, upang lapastanganin ang kanilang mga katawan sa kani-kanilang sarili;  

Rom 1:24  WhereforeG1352 GodG2316 alsoG2532 gave them upG3860 G846 toG1519 uncleannessG167 throughG1722 theG3588 lustsG1939 of their ownG848 hearts,G2588 to dishonourG818 their ownG848 bodiesG4983 betweenG1722 themselves:G1438  (Strong's Greek Reference)

Ang salitang “pagnanasa” sa ABAB ay naisulat sa Bibliang Griego na “epithumia” na sa wikang Ingles sa KJV ay “LUST”

1.      LUSTS

G1939    ἐπιθυμίαepithumia ep-ee-thoo-mee'-ahFrom G1937; a longing (especially for what is forbidden): - concupiscence, desire, lust (after).

SA TAGALOG: isang pagnanasa (lalo na sa kung ano ang ipinagbabawal): - concupiscence, pagnanasa, pagnanasa (pagkatapos).
concupiscence      con·cu·pis·cence     /känˈkyo͞opəsəns/
noun
strong sexual desire; lust.
Google translate: malakas na sekswal na pagnanasa; libog
G1937 ἐπιθυμέω epithumeō ep-ee-thoo-meh'-o
From G1909 and G2372; to set the heart upon, that is, long for (rightfully or otherwise): - covet, desire, would fain, lust (after).
SA TAGALOG: upang itakda ang puso sa, iyon ay, pananabik para sa (nang tama o kung hindi man): - pagnanasa, pagnanasa, gugustuhin, pagnanasa (pagkatapos).

2.     Mabuting pagnanasa?

Epithumia  — 38 times sa 37 na mga talata na nabanggit sa Greek Bible at ito ay may kaugnayan sa masamang pagnanasa lalo na sa sex, maliban sa 3 talata
3 talata sa Bagong Tipan na naisulat ang salitang Griego na “epithumia” na masasabi nating may pag-iingat na hindi masamang pagnanasa gaya ng mga sumusunod:
(1)  Luk 22:15  Sinabi niya sa kanila, "Pinakahahangad (epithumia) kong kainin na kasalo kayo ang kordero ng Paskuwang ito bago ako magdusa,  
(2) Php 1:23  Sapagkat ako'y naiipit sa pagitan ng dalawa: ang aking nais (epithumia) ay umalis at makasama si Cristo, sapagkat ito'y higit na mabuti.  
(3) 1Th 2:17  Ngunit kami, mga kapatid, na nahiwalay sa inyo ng maikling panahon, sa katawan hindi sa puso, ay lalong higit na nananabik (epithumia)  na makita kayo nang mukhaan.  
                                                                                                 

I.            MGA KAUTUSANG MORAL (“MORAL LAWS”) SA MATANDANG TIPANG

1.       Ang mga Kristiyano ay hindi na direktang sumasa ilalim sa mga batas ng “Mosaic Covenant” o ang pakikipagtipan ng ginawa ng Diyos sa Israel sa pamamagitan ni Moises, ngunit sa halip ay nabubuhay sa ilalim ng mga probisyon ng Bagong Tipan. Ang mga katagang “Mosaic Covenant” ay ang termino na ginagamit ng mga Historian at Bible Scholars upang tukuyin ito.


2.      Dapat nating kilalanin na ang “Mosaic Covenant” — na nagsimula sa pamumuno ni Moises sa Exodo 20 kung saan ibinigay ng Diyos ang mga batas na ito sa bansang Israel, ay natapos na nang mamatay si Cristo. Ang Hebreo 8 at 9 ay malinaw na ipinaliliwanag ito, gaya halimbawa sa mga sumusunod na talata:

Heb 8:7  Sapagkat kung ang unang tipang iyon ay walang kapintasan, hindi na sana kailangang humanap pa ng pangalawa.
Heb 8:8  Sapagkat nang makakita ang Diyos ng kapintasan sa kanila, ay sinabi niya, "Ang mga araw ay tiyak na darating, sabi ng Panginoon, na ako'y gagawa ng isang bagong tipan sa sambahayan ni Israel at sa sambahayan ni Juda,

AT SA,
Heb 8:13  Sa pagsasalita tungkol sa "bagong tipan," ginawa niyang lipas na ang una. At ang ginawang lipas na at tumatanda ay malapit ng maglaho.

3.      Ngunit sa kabila na sumasang-ayon tayo na ang “Mosaic Covenant” ay hindi na nakapagpapatibay sa atin ngayon, kailangan pa rin nating mapagtanto na ang Lumang Tipan ay isang mahalagang mapagkukunan ng karunungan sa etikal at moralidad at nauunawaan natin ito sa isang paraan na naaayon sa kung paano ginamit ng mga may-akda ng Bagong Tipan ang Lumang Tipan para sa etikal at moral na pagtuturo.


4.     Halimbawa, ang mga may-akda ng Bagong Tipan, ay malinaw na nagpapatunay sa lahat ng mga pamantayang moral na natagpuan sa Sampung Utos at sa iba pang bahagi ng “Tora” (Pentateuch or five books of Moses) ang mga aklat na isinulat ni Moises: Genesis, Exodo, Levituco, Mga Bilang at Deuteronomio,  ngunit hindi nila muling pinatunayan ang pagsunod sa Sabath at sa mga alituntunin tungkol sa pagkain o inumin bilang isang pangangailangan para sa Bagong Tipan.

(RTPV) Col 2:16  Kaya't huwag na kayong magpapasakop pa sa anumang alituntunin tungkol sa pagkain o inumin, tungkol sa mga kapistahan, sa bagong buwan o sa Araw ng Pamamahinga (Araw ng Sabbath – Abab).

II.            ILANG MGA DETALYE NG MGA SEKSUWAL NA PAGKAKASALA NUONG PANAHON NI MOISES SA MATANDANG TIPAN NA MASASABI NATIN NA UMIIRAL PARIN SA BAGONG TIPAN – (RTPV)

Lev 18:1  Sinabi pa ni Yahweh kay Moises,
Lev 18:2  "Ito ang sabihin mo sa mga Israelita: 'Ako si Yahweh ang inyong Diyos.
Lev 18:3  Huwag ninyong gagayahin ang mga kaugalian sa Egipto na inyong pinanggalingan o ang mga kaugalian sa Canaan na pagdadalhan ko sa inyo.
Lev 18:4  Ang sundin ninyo'y ang mga kautusan at tuntuning ibinigay ko sa inyo. Ako si Yahweh, ang inyong Diyos.
Lev 18:5  Ang sinumang tutupad ng aking mga kautusan at tuntunin ay mabubuhay; ako si Yahweh.

1.      Sa malapit na kamag-anak

Lev 18:6  "Huwag kayong makipagtalik sa malapit na kamag-anak. Ako si Yahweh.

2.     Sa mga ama at ina

Lev 18:7  Huwag kayong makipagtalik sa inyong ina, iyan ay kahihiyan sa inyong ama. Hindi ninyo dapat halayin ang inyong ina.

3.     Step mother  

Lev 18:8  Huwag kayong makipagtalik sa ibang asawa ng inyong ama, inilalagay ninyo sa kahihiyan ang inyong sariling ama.

4.     Magkapatid

Lev 18:9  Huwag kayong makipagtalik sa inyong kapatid na babae, maging siya'y anak ng inyong ama o ng inyong ina, ipinanganak man siya sa inyong lupain o sa ibang bayan.

5.      Apo

Lev 18:10  Huwag kayong makipagtalik sa inyong apo, maging sa anak ninyong lalaki o babae; iyan ay kahihiyan sa inyo.

6.     Step sister 

Lev 18:11  Huwag kayong makipagtalik sa anak ng inyong ama sa ibang babae, sapagkat siya'y kapatid din ninyo.

7.      Tiyahin at tiyuhin

Lev 18:12  Huwag kayong makipagtalik sa kapatid na babae ng inyong ama, siya'y kadugo ng inyong ama.
Lev 18:13  Huwag kayong makipagtalik sa kapatid na babae ng inyong ina, siya'y kadugo ng inyong ina.
Lev 18:14  Huwag kayong makipagtalik sa asawa ng inyong tiyo, tiya mo na rin siya.

8.     Manugang (daughter in law)

Lev 18:15  Huwag kayong makipagtalik sa inyong manugang na babae; siya'y asawa ng inyong anak na lalaki. Hindi ninyo dapat ilagay sa kahihiyan ang inyong sariling anak.

9.     Hipag/ anak o sa apong babae ng isang babaing nakatalik ninyo noon

Lev 18:16  Huwag kayong makipagtalik sa inyong hipag; taglay niya ang kapurihan ng inyong kapatid.
Lev 18:17  Huwag kayong makipagtalik sa anak o sa apong babae ng isang babaing nakatalik ninyo noon. Maaaring ang mga iyon ay kamag-anak ninyo, at iyan ay kahalayan.
Lev 18:18  Hindi ninyo maaaring maging asawa ang inyong hipag kung buhay pa ang inyong asawa. Inilalagay ninyo sa kahihiyan ang iyong asawa na kanyang kapatid.

10. Sa panahon ng regla

Lev 18:19  "Huwag kayong makipagtalik sa isang babae habang siya'y may regla sapagkat siya'y marumi.

11.   Asawa ng kapwa

Lev 18:20  Huwag ninyong durungisan ang inyong sarili sa pakikiapid sa asawa ng iba.

12.  Kapwa lalaki

Lev 18:22  Huwag kayong makipagtalik sa kapwa ninyo lalaki; iyan ay karumal-dumal.
Lev 20:13  Ang lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki ay gumagawa ng karumal-dumal na gawain at pareho silang dapat patayin.

13.  Sa hayop

Lev 18:23  Huwag kayong makipagtalik sa alinmang hayop sapagkat durungisan ninyo ang inyong sarili kung gagawin ninyo ito. Hindi rin dapat pasiping ang sinumang babae sa anumang hayop; ito ay kasuklam-suklam.

III.            BUNGA NG HINDI PAGKILALA SA DIYOS

Mula sa ating MAIN VERSE
Rom 1:24  Kaya't dahil sa mga pagnanasa (epithumia) ng kanilang mga puso ay hinayaan sila ng Diyos sa karumihan, upang lapastanganin ang kanilang mga katawan sa kani-kanilang sarili;  
1.      Pinalitan ng kasinungalingan ang katotohanan ng Diyos – sumamba sa nilalang
Rom 1:25  sapagkat pinalitan nila ng kasinungalingan ang katotohanan ng Diyos at sila'y sumamba at naglingkod sa nilalang sa halip na sa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailanman! Amen.  

2.     Kaya pinabayaan nalang sila ng Diyos

Rom 1:26  Dahil dito'y hinayaan sila ng Diyos sa mga mahahalay na pagnanasa. Ipinagpalit ng kanilang mga babae ang likas na pakikipagtalik sa di likas.  Rom 1:27  At gayundin naman ang mga lalaki, nang iwan ang likas na pakikipagtalik sa mga babae, ay nag-alab sa kanilang pagnanasa sa isa't isa. Gumagawa ng kahalayan ang mga lalaki sa mga kapwa lalaki, at tumatanggap sa kanilang sarili ng kaparusahan ng kanilang pagkakamali.  

3.     Hindi magmamana ng kaharian ng Diyos – Hindi maliligtas

1Co 6:9  Hindi ba ninyo nalalaman na ang mga masasamang tao ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos? Huwag kayong padaya! Ang mga mapakiapid, mga sumasamba sa diyus-diyosan, mga mangangalunya, mga binabae, mga nakikiapid sa kapwa lalaki,  

IV.            ARAL/MENSAHE

1.      Mamuhay ng may katinuan, matuwid at banal

Tit 2:11  Sapagkat nagpakita ang biyaya ng Diyos, na nagdadala ng kaligtasan sa lahat ng tao,
Tit 2:12  na nagtuturo sa atin na matapos itakuwil ang kasamaan, at mga makamundong pagnanasa, ay dapat tayong mamuhay nang may katinuan, matuwid at banal sa kasalukuyang panahon,
Tit 2:13  habang hinihintay natin ang mapalad na pag-asa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.  

COMMENT:
Ang “biyaya ng Diyos” ay ang kaligtasan na dinala sa atin ng Panginoong Jesu-Cristo, dinalhan tayo ng kaligtasan ni Cristo at nararapat na natakwil na natin ang mga makamundong pagnanasa (lust) at namumuhay na tayo ayon sa kalooban ng Diyos.  Iyan ang dapat na maging kalagayan natin habang hinihintay natin ang muling pagbabalik ni Cristo.

2.     Nahugasan na kayo, ginawa na kayong banal, at inaring ganap

1Co 6:9  Hindi ba ninyo nalalaman na ang mga masasamang tao ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos? Huwag kayong padaya! Ang mga mapakiapid, mga sumasamba sa diyus-diyosan, mga mangangalunya, mga binabae, mga nakikiapid sa kapwa lalaki,
1Co 6:10  mga magnanakaw, masasakim, mga maglalasing, mga mapagmura, o ang mga manggagantso ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos.
1Co 6:11  At ganyan ang mga ilan sa inyo noon. Subalit nahugasan na kayo, ginawa na kayong banal, at inaring ganap na kayo sa pangalan ng Panginoong Jesu-Cristo, at sa Espiritu ng ating Diyos.  

-WAKAS-

No comments:

Post a Comment