ANG DALAWA AY MAS MABUTI KAYSA ISA ("Two Are Better Than One")


MAIN VERSES:


Ecc 4:9  Ang dalawa ay mas mabuti kaysa isa; sapagkat sila'y may mabuting gantimpala sa kanilang pagpapagod.
Ecc 4:10  Sapagkat kung sila'y bumagsak, ibabangon ng isa ang kanyang kasama; ngunit kahabag-habag siya na nag-iisa kapag siya'y bumagsak; at walang iba na magbabangon sa kanya.
Ecc 4:11  Muli, kung ang dalawa ay mahigang magkasama, may init nga sila; ngunit paanong maiinitan ang nag-iisa?
Ecc 4:12  At bagaman ang isang tao ay maaaring magtagumpay laban sa iba, ang dalawa ay magtatagumpay laban sa isa. Ang panaling may tatlong pisi ay hindi agad napapatid.  

I.            PASIMULA

Ang ating Main Verses ay tumatalakay sa advantages o mga kalamangan ng mayroon tayong kasama sa buhay. 
Sa simula pa lamang ng kasaysayan ng tao ay nasabi na na hindi mabuti sa lalake ang nag-iisa kaya’t ang Diyos ay nilikha si Eva upang maging kaagapay/katuwang ni Adan.
Gen 2:18  At sinabi ng PANGINOONG Diyos, "Hindi mabuti na ang lalaki ay nag-iisa; siya'y igagawa ko ng isang katuwang na nababagay sa kanya."  

1.      Hindi naman ibig sabihin na kailangan ang lahat ng tao ay mag-asawa upang magkaroon ng katuwang sa buhay.

Si apostol Pablo nga ay nagpayo din naman na mas mabuti sa tao ang huwag ng mag-asawa ngunit dahil sa mga pakikiiapid ay kailangan na mag-asawa. 
1Co 7:1  Ngayon, tungkol sa mga bagay na isinulat ninyo: "Mabuti para sa isang lalaki ay huwag humipo sa babae."
1Co 7:2  Subalit, dahil sa mga nangyayaring pakikiapid, ang bawat lalaki ay magkaroon ng kanyang sariling asawa, at bawat babae ay magkaroon ng kanyang sariling asawa.
1Co 7:3  Dapat ibigay ng lalaki sa asawa ang karapatan nito, gayundin naman ang babae sa kanyang asawa.
1Co 7:4  Sapagkat ang babae ay walang karapatan sa kanyang katawan, kundi ang asawa, at gayundin ang lalaki ay walang karapatan sa kanyang sariling katawan, kundi ang asawa.
1Co 7:5  Huwag pagkaitan ang isa't isa, maliban kung pagkasunduan ng ilang panahon, upang maiukol ang mga sarili sa pananalangin, at pagkatapos ay muli kayong magsama, baka kayo'y tuksuhin ni Satanas dahil sa kakulangan ng pagpipigil sa sarili.  

1.1.   Mas mabuti ang manatili na gaya ni Pablo, ngunit ito ay payo at hindi utos

1Co 7:6  Ngunit ito'y sinasabi ko bilang pagbibigay, hindi isang utos.
1Co 7:7  Ibig ko sana na ang lahat ng tao ay maging gaya ko. Ngunit ang bawat tao'y mayroong kanya-kanyang kaloob mula sa Diyos, ang isa'y ganito at ang iba'y ganoon.
1Co 7:8  Subalit sinasabi ko sa mga walang asawa at sa mga babaing balo, mabuti sa kanila kung sila'y mananatiling gaya ko.  

1.2.                      Ang mga may asawa ay nababalisa sa mga bagay ng sanlibutan

1Co 7:32  Nais kong maging malaya kayo sa pagkabalisa. Ang walang asawa ay nababalisa sa mga bagay ng Panginoon, kung paano niya mabibigyang kasiyahan ang Panginoon;
1Co 7:33  ngunit ang may asawa ay nababalisa sa mga bagay ng sanlibutan, kung paano niya mabibigyang kasiyahan ang kanyang asawa,
1Co 7:34  at ang kanyang pansin ay nahahati. Ang babaing walang asawa at ang dalaga ay nababalisa sa mga bagay ng Panginoon, upang siya'y maging banal sa katawan at sa espiritu, ngunit ang babaing may asawa ay nababalisa sa mga bagay ng sanlibutan, kung paano niya bibigyang kasiyahan ang kanyang asawa.
1Co 7:35  Sinasabi ko ito ngayon para sa inyong ikabubuti, hindi upang lagyan ko kayo ng silo, kundi kung ano ang nararapat at upang kayo'y makapaglingkod sa Panginoon nang walang sagabal.  

2.     “NO MAN IS AN ISLAND”.  Walang sinuman sa atin ang nabubuhay at namamatay sa kanyang sarili

Rom 14:7  Walang sinuman sa atin ang nabubuhay sa kanyang sarili, at walang sinumang namamatay sa kanyang sarili.
Rom 14:8  Kung nabubuhay tayo, sa Panginoon tayo'y nabubuhay; o kung namamatay tayo, sa Panginoon tayo'y namamatay. Kaya't mabuhay man tayo o mamatay, tayo'y sa Panginoon.  

II.            DALA-DALAWA

Ecc 4:9  Ang dalawa ay mas mabuti kaysa isa; sapagkat sila'y may mabuting gantimpala sa kanilang pagpapagod.
Ecc 4:10  Sapagkat kung sila'y bumagsak, ibabangon ng isa ang kanyang kasama; ngunit kahabag-habag siya na nag-iisa kapag siya'y bumagsak; at walang iba na magbabangon sa kanya.  

1.      Si Cristo man, nang isugo Niya ang 70 upang mangaral ng evangehelyo ay isinugo Niya ang mga ito ng dala-dalawa

Luk 10:1  Pagkatapos ng mga bagay na ito, ang Panginoon ay humirang ng pitumpu, at sila'y sinugong dala-dalawa, na una sa kanya sa bawat bayan at dako na kanyang pupuntahan.  

Dalawa at dalawa - Maraming karunungan sa pagpapadala sa kanila sa paraang ito. Ito ay nagawa, walang pag-aalinlangan, na maaari nilang tulungan ang isa't isa sa pamamagitan ng payo ng isa't isa, at maaari nilang mapanatili at aliwin ang bawat isa sa kanilang mga maaaring maranasang mga pag-uusig at pagsubok. Ipinakita ng ating Panginoon ang pagkakaroon ng "isang relihiyosong kaibigan," na magiging kumpidensyal at tulong sa oras ng pangangailangan. Ang bawat Kristiyano, at lalo na ang bawat Kristiyanong naglilingkod sa ministeryo, ay nangangailangan ng gayong kaibigan, at dapat maghanap ng isang tao na maaari masandalan, at kung kanino niya maibabahagi ang kanyang damdamin at panalangin. (Albert Barnes – Notes on the Bible)

2.     Ang Iglesia nuong unang panahon ay palaging nagkakatipon na sama-sama

2.1.                    Sa unang yugto palang ng kasaysayan ng Iglesya, nagtitipon sila habang hinihintay ang pagbababa ng Holy Spirit … Gawa 1


Act 1:12  Pagkatapos ay bumalik sila sa Jerusalem buhat sa tinatawag na bundok ng mga Olibo, malapit sa Jerusalem, na isang araw ng Sabbath lakarin.
Act 1:13  Nang sila'y makapasok sa lunsod, umakyat sila sa silid sa itaas na doon ay nakatira sina Pedro, Juan, Santiago at Andres, Felipe at Tomas, Bartolome at Mateo, si Santiago na anak ni Alfeo, si Simon na Makabayan, at si Judas na anak ni Santiago.
Act 1:14  Sama-samang itinalaga ng lahat ng mga ito ang kanilang sarili para sa pananalangin, kasama ang mga babae at si Maria na ina ni Jesus, at ang kanyang mga kapatid.  

2.2.                   Sa Jerusalem, matapos ang unang malaking conversion ng mga unang Cristiano

Act 2:42  Nanatili sila sa turo ng mga apostol at sa pagsasama-sama, sa pagpuputul-putol ng tinapay at sa mga pananalangin.
Act 2:43  Dumating ang takot sa bawat tao at maraming kababalaghan at tanda ang nangyari sa pamamagitan ng mga apostol.
Act 2:44  At ang lahat ng mga mananampalataya ay magkakasama at ang kanilang ari-arian ay para sa lahat.
Act 2:45  Ipinagbili nila ang kanilang mga ari-arian at mga kayamanan at ipinamahagi sa lahat, ayon sa pangangailangan ng bawat isa.
Act 2:46  At araw-araw, habang sila'y magkakasama sa templo, sila'y nagpuputul-putol ng tinapay sa bahay-bahay, at nagsasalu-salo na may galak at tapat na puso,
Act 2:47  na nagpupuri sa Diyos, at nagtatamo ng lugod sa lahat ng tao. At idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw ang mga naliligtas.  

2.3.                   Si Pedro at si Juan ay magkasama na nagpupunta sa templo sa Jersulem upang manalangin … Act. 3:, na nuon ay pinagaling ng Panginoon sa pamamagitan ni Pedro ang isang lalaking lumpo mula pa sa kanang pagkapanganak. Dito nabanggit ni Pedro ang,


Act 3:6  Ngunit sinabi ni Pedro, "Wala akong pilak at ginto, ngunit ang nasa akin ay siya kong ibinibigay sa iyo. Sa pangalan ni Jesu-Cristong taga-Nazaret, tumayo ka at lumakad."  

2.4.                   Gawa Chapter 4:1-22 – Magkasama din si Pedro at Juan na humarap sa Senadrin, ang konseho ng mga matatanda sa Jerusalem at sila ay binigyan ng babala na huwag na nilang ipangaral ang Pangalan ni Jesus sa Jerusalem.  Dito nila nabanggit sa harapan ng hukuman na,

Act 4:19  Ngunit sumagot sa kanila si Pedro at si Juan, "Kung matuwid sa paningin ng Diyos na makinig muna sa inyo sa halip na sa Diyos, kayo ang humatol,
Act 4:20  sapagkat hindi maaaring hindi namin sabihin ang aming nakita at narinig."  

3.     Nang pangangaral ni Pablo ay palagi siyang may kasama.  Si Silas, si Bernabe ang ilang sa mga naging prominenteng kasama ni Pablo.

Act 15:22  Nang magkagayo'y minabuti ng mga apostol at ng matatanda, pati ng buong iglesya, na pumili ng kalalakihan mula sa kanilang bilang at isugo sa Antioquia na kasama nina Pablo at Bernabe. Isinugo nila si Judas na tinatawag na Barsabas, at si Silas, na mga nangungunang lalaki sa mga kapatid,

III.            UNITY IN THE CHURCH

1.      Sa pagpaplano ng mga gawain kailangan ng matalinong patnubay

 (RTPV)Pro 20:18  Ang mabuting payo ay kailangan para magtagumpay; kung hindi ka handa huwag nang pumalaot sa labanan.

1.1.Kailangan ng mga tagapayo

Pro 11:14  Kung saan walang patnubay, bumabagsak ang bayan; ngunit sa karamihan ng mga tagapayo ay mayroong kaligtasan.  

2.     Tayo’y iisang katawan na sama-samang mga sangkap ni Cristo (rtpv)

1Co 12:12  Si Cristo'y tulad ng isang katawan na may maraming bahagi. Kahit na binubuo ng iba't ibang bahagi, ito ay nananatiling iisang katawan.
1Co 12:13  Maging Judio o Hentil, alipin man o malaya, tayong lahat ay binautismuhan sa iisang Espiritu upang maging isang katawan. Tayong lahat ay pinainom sa iisang Espiritu.
1Co 12:14  Ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi at hindi ng iisang bahagi lamang.
1Co 12:15  Kung sasabihin ng paa, "Hindi ako kamay kaya't hindi ako bahagi ng katawan," hindi na nga ba ito bahagi ng katawan?
1Co 12:16  Kung sasabihin ng tainga, "Hindi ako mata, kaya't hindi ako bahagi ng katawan," hindi na nga ba ito bahagi ng katawan?
1Co 12:17  Kung puro mata lamang ang buong katawan, paano ito makakarinig? Kung puro tainga lamang ang buong katawan, paano ito makakaamoy?
1Co 12:18  Subalit inilagay ng Diyos ang bawat bahagi ng katawan ayon sa kanyang kalooban.
1Co 12:19  Kung ang lahat ng bahagi ay pare-pareho, hindi iyan maituturing na katawan.
1Co 12:20  Ngunit ang totoo'y marami ang mga bahagi, ngunit iisa lamang ang katawan.
1Co 12:21  Hindi rin naman masasabi ng mata sa kamay, "Hindi kita kailangan," ni ng ulo, sa mga paa, "Hindi ko kayo kailangan."
1Co 12:22  Sa katunayan, ang mga bahaging parang mahihina ang siya pa ngang kailangang kailangan.
1Co 12:23  Ang mga bahagi ng katawan na inaakala nating hindi gaanong kapuri-puri ay pinag-uukulan ng higit na pagpapahalaga. Ang mga bahaging hindi likas na maganda ang siya nating higit na pahalagahan.
1Co 12:24  Hindi na ito kailangang gawin sa mga bahaging sadyang maganda. Nang isaayos ng Diyos ang ating katawan, binigyan niya ng higit na karangalan ang mga bahaging di gaanong marangal,
1Co 12:25  upang hindi magkaroon ng pagkakabaha-bahagi, at sa halip ay magmalasakit sa isa't isa.
1Co 12:26  Kung nasasaktan ang isang bahagi, nasasaktan ang lahat; kung pinaparangalan ang isang bahagi, nagagalak ang lahat.
1Co 12:27  Kayo ngang lahat ang iisang katawan ni Cristo, at bawat isa sa inyo ay bahagi nito.


IV.            ARAL/MENSAHE

1.      Mag-ingat, Magpayuhan sa isa’t isa

Heb 3:12  Mga kapatid, mag-ingat kayo, na walang sinuman sa inyo ang may pusong masama at walang pananampalataya na naglalayo sa buhay na Diyos.
Heb 3:13  Ngunit magpayuhan kayo sa isa't isa araw-araw, habang ito ay tinatawag na "ngayon," upang walang sinuman sa inyo ang papagmatigasin ng pagiging madaya ng kasalanan.  

2.     Masasamang kasamahan

1Co 15:33  Huwag kayong padaya: "Ang masasamang kasamahan ay sumisira ng magagandang ugali."  

3.     Dalhin ang pasanin ng isa’t-isa

Gal 6:1  Mga kapatid, kung ang isang tao ay natagpuan sa anumang pagsuway, kayong mga espirituwal ay dapat panunumbalikin siya sa espiritu ng kaamuan. Tingnan ang iyong sarili, baka ikaw ay matukso rin.
Gal 6:2  Dalhin ninyo ang mga pasanin ng isa't-isa, at sa gayon ay matutupad ninyo ang kautusan ni Cristo.  
-WAKAS-

No comments:

Post a Comment