Welcome to Believers In Jesus Christ the Lord Congregation
Bible Sermons and Powerpoint Presentations (In Filipino/Tagalog Language)
Ang blog na ito ay ginawa ng inyong lingkod upang makatulong sa ating mga kababayan na Cristiano sa mga aralin na maaari nilang maibahagi sa kanilang mga Iglesya (church) na kinabibilangan.
Layunin din na maging reperensya ng kapatiran na maaari nilang magamit sa pangangaral ng ebanghelyo sa anomang okasyon.
Sinabi nga ni apostol Pablo na kailangang ipangaral natin ang salita ng Diyos sa lahat ng panahon dahil darating ang araw na hindi na makikinig ng wastong aral ang mga tao at ang nais nilang pakinggan ay ang mga gusto lamang nilang marinig na nakakikiliti sa kanilang mga tainga.
- 2Ti 4:1 Sa harapan ng Diyos at ni Cristo Jesus, na siyang hahatol sa mga buhay at sa mga patay, at sa pamamagitan ng kanyang pagpapakita at sa kanyang kaharian, ay inaatasan kita:
- 2Ti 4:2 ipangaral mo ang salita, magsikap ka sa kapanahunan at sa di kapanahunan, magtuwid ka, manaway ka, mangaral ka na may buong pagtitiyaga at pagtuturo.
- 2Ti 4:3 Sapagkat darating ang panahon na hindi nila matitiis ang wastong aral; kundi, sa pagkakaroon nila ng makakating tainga, ay mag-iipon sila para sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling pagnanasa,